“Napakarami kasing best practices sa Bataan kaya ito ang pinili namin para sa benchmarking”, saad ni Konsehal Levy Orcales ng Baguio City na siyang leader ng grupo. na mainit na sinalubong nina Bokal Precious Manuel, SK Fed. Pres. at Ex- Officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan, Konsehala Jowee Nisay, Konsehal Jim Espinosa at mga Youth Health Ambassadors ng Balanga City na sina Aris Nazareno Panaligan at iba pa.
Nagkaroon ng maikling programa sa Doña Francisca kung saan ibinahagi nina Konsehal Nisay ang mga best practices sa Balanga City gayundin ang mga initiatives ang mga Youth Health Ambassadors. Ayon sa kanila, the youth health ambassadors aim to provide youth a path towards cessation and elimination of tobacco use and therefore encourage them to engage in healthy life-style activities like hataw takbo na ngayon ay TFG Zumba, at TFG bike ride.
Samantala ang huling leg ng kanilang activity ay ginanap sa The Bunker at the Capitol kung saan kinatawan ni Pusong Pinoy Rep. Jett Nisay si Gov. Joet Garcia, na dating youth health ambassador sa Balanga City, naging pinakabatang punong barangay. sa Bataan bago naging City Councilor, kung saan pinangunahan niya ang pagpasa ng mga ordenansa sa smoking cessation at adbokasiya sa Tobacco-Free Generation na kalaunan ay pinalaganap na sa buong Lalawigan.
The post 86 SK leaders ng Baguio City, bumisita sa Bataan appeared first on 1Bataan.