Ito ang tiniyak ni Abucay Municipal Administrator, Engr. Ernesto “Estoy” Vergara sa panayam ng 1Bataan News matapos ang isinagawang pulong ng Abucay Local School Board Council nitong Huwebes.
Ayon kay Engr. Vergara, naglaan ng pondong P13.6 milyon ang Abucay LGU sa pamumuno ni Mayor Liberato “Pambato” Santiago Jr. para sa 10 public schools (2 national high school at 8 elementary schools).
“Ang sampung milyon ay para sa 8 elementary schools, habang ang mahigit 3 milyon ay para sa 2 secondary schools,” pahayag ni Engr. Vergara.
Aniya, sakaling magkaroon naman ng hawaan ng COVID-19 sa gaganaping face-to-face classes ay may sapat anila silang paghahanda para rito kagaya ng pagkakaroon ng mga well-trained personnel sa pag-contain o pag isolate ng mga pasyenteng magpo-positibo.
“Mayroon po tayong enclosed tents para sa isolation at itinalaga na rin ang rescue van para sa dagliang pangangailangan o emergencies,” dagdag pa ni Vergara.
Ang mga face masks at alcohol na gagamitin ng mga estudyante, thermal scanners at PPEs ng clinical staff ay sinagot na rin ng Abucay LGU.
The post Abucay, handa na sa pagbabalik ng face-to-face classes appeared first on 1Bataan.