Abucay, pinakamalaking prodyuser ng tahong sa bansa

Philippine Standard Time:

Abucay, pinakamalaking prodyuser ng tahong sa bansa

Ito ang nakatutuwang ibinalita ni Mayor Robin Tagle ng bayan ng Abucay. Ayon kay Mayor Tagle, umabot na sa 804 na ektarya ang tahungan sa coastal areas ng kanilang bayan. Kada anim na buwan, sa bawat sukat na 17sq meters ay umaabot mula 200 hanggang 250 banyera ng tahong ang kanilang ani, na inaangkat ng mga magtatahong mula sa probinsya ng Cavite, lungsod ng Navotas at iba pang bayan.

Sa ngayon ay maliit lamang ang binabayarang buwis ng mga magtatahong sa kanilang bayan, subalit pinag aaralan na ng kanyang team ang pagtatakda ng tamang buwis kada banyera ng tahong, dahil sa laot pa lamang ay nagkakabilihan na.

Dahil dito, magtatalaga na ng mga bantay-dagat para masiguro na tama ang ibinabayad na buwis kada banyera. Ito ay malaking karagdagan sa kaban ng bayan, na mangangahulugan ng dagdag na proyekto para sa bayan.

Bilang sukli ay ipalilinis niya ang “sea bed” ng mga pinagtataniman ng tahong upang mas gumanda pa ang lasa nito at dumami pa ang aanihing tahong ng kanyang mga kababayan.

The post Abucay, pinakamalaking prodyuser ng tahong sa bansa appeared first on 1Bataan.

Previous DOLE Bataan launches FreeBis Project

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.