Ito ang tiniyak ni PNP P/Col Romell Velasco, bagong PNP Provincial Director ng Bataan. Sa kanyang ulat sa pulong ng Provincial Advisory Council (PAC) nitong nakaraang linggo marami umanong programa ang PNP na nakaayon sa 3 C’s, Committment, Competency at Character ng ating mga kapulisan.
Sinabi din niya na lahat umano ng mga station commanders sa Bataan ay nabigyan na ng paalala na “walang pulis na magiging abusado” dahil kapag umano inireklamo sila at may malinaw na ebidensya ay tiyak umanong may kalalagyan sila at walang magiging kakampi ayon sa kanilang PNP Regional Director.
Kung kayat hiningi niya ang tulong ng mga miyembro ng Provincial Advisory Council (PAC) at mga mamamayan upang maitama ang anumang pagkakamali ng pulis na kanilang makikita at mabigyan naman ng karampatang parusa ang mga may kasalanan.
Patungkol naman sa peace and order situation, tahimik pa rin umano ang Bataan, habang patuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa ilegal na droga. Insurgency cleared pa rin umano ang lalawigan bagama’t may inoobserbahan silang white areas kung saan may front organization ng CPP communist terrorist sa ating mga labor sector kung kaya’t nagkaroon sila ng pantapat na programa, ang Alliance for Industrial Peace gayundin din sa mga estudyante sa mga kolehiyo.
Siniguro naman ni PAC Chairman Mayor Charlie Pizarro ang 100% na suporta ng PAC sa mga programa ng PNP.
The post Abusadong pulis, walang puwang sa Bataan appeared first on 1Bataan.