Sa pagbubukas ng kauna-unahang fly over sa Lalawigan, sinabi ni Gov. Joet sa kanyang mensahe na masisiguro na ang kaligtasan sa pagdaraan sa Alauli intersection. Hindi lamang MBDA ang makakatuwang natin sa pangangalaga sa kaligtasan kundi maging ang mga LGU na sakop ng Roman expressway.
Binigyang-diin naman ni Cong Abet Garcia na, ang Alauli flyover ay ginawa hindi lamang para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko kundi upang maging ligtas na daanan ng mga sasakyan dahil kung matatandaan natin, ang intersection na ito ang pinaka “accident prone” sa buong lalawigan. Dagdag pa ni Cong Abet na, with this flyover, mababawasan na ang aksidente at yong efficiency ng expressway ay mapananatili natin lalo na sa pagbubukas ng Bataan-Cavite Interlink bridge.
Sinabi naman ni Mayor Charlie Pizarro na medyo nag isip sila na baka tumamlay ang ekonomiya sa pagkakaroon ng flyover pero, nakabibigla umano na lalo pang dumami ang establisimyento malapit sa flyover.The post “Accident prone road” binigyang solusyon appeared first on 1Bataan.