Sa isang salu-salo na dinaluhan ni Congresswoman Gila Garcia, sa imbitasyon ni Australian Ambassador HK Yu ay binigyang pagkilala ang delegasyon ng Australian Commission for International Agricultural Research (ACIAR).
Ayon kay Cong Gila, bumisita sa bansa ang ACIAR delegation upang makahikayat ng mga makakatuwang sa pagtugon sa mga suliraning pang-agrikultura at mapatatag ang soil health partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ipinabatid din ni Cong. Gila na isa ang Bataan sa mga pilot provinces na makakatuwang ng ACIAR sa paglalatag ng mga programa at istratehiyang makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan ng lupa, pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagtiyak sa seguridad ng pagkain ng bansa.
Nakasama ni Cong. Gila sa nasabing kaganapan sina Rep. Eddie Tan, Rep. Alfel Bascug, Rep. Christian Yap, NEDA Sec Arsenio Balisacan, DOST Sec. Renato Solidum, Prof. Chengrong Chen at Dr. Jonhvie Goloran ng Griffin University.
The post ACIAR makakatuwang ng Bataan appeared first on 1Bataan.