Epektibo agad, inianunsyo ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang pagpapatupad ng LandBank Online Collection (OnColl) Payment Facility para sa lahat ng mga kliyente at depositors nito.
Ayon sa AFAB, kinakailangan nang gumamit ng opisyal na OnColl Payment Slip sa lahat ng transaksyong pagbabayad sa pamamagitan ng LandBank. Hindi na tatanggapin ang mga tradisyunal na deposit slips. Maaaring kunin ang opisyal na resibo sa AFAB Cashier makalipas ang tatlong araw ng trabaho mula sa petsa ng pagdeposito.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng AFAB na mapabuti ang transparency sa pananalapi, mapabilis ang proseso ng pagbabayad, at maresolba ang mga isyung may kaugnayan sa hindi natutukoy na bank deposits.
Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa AFAB-Finance Department sa finance@afab.gov.ph o tumawag sa (047) 935-4044 local 8103.
The post AFAB, Ipinatutupad ang LandBank OnColl Payment Facility appeared first on 1Bataan.