Tumanggap ng parangal at pagkilala ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) mula sa Department of Information and Communications Technology Region 3 (DICT Region 3) para sa aktibong suporta sa mga programa ng ahensiya.
Ang seremonya sa pagbibigay ng parangal ay ginanap sa isang stakeholder engagement nitong ika-5 ng Disyembre 2023, sa San Fernando City, Pampanga. Ang temang “Igniting Technological Breakthrough: Influencing Digital Era” ay nagpaparangal sa taunang suporta at kooperasyon na ipinakita sa loob ng komunidad ng ICT na nagresulta sa mga programang may malaking epekto at mga inisyatiba. Ang aktibidad ay naglalaman din ng mga presentasyon ng mga bagong programa, proyekto, aktibidad at mga panukala para sa mga lugar ng pakikipagtulungan. Laging naghahanap ng mga oportunidad at nangunguna, ang AFAB ay nakatuon sa pag-suporta at proaktibong pakikipagtulungan sa DICT Region 3 upang makamit ang layunin ng technology-driven at epektibong pampublikong serbisyo.
The post AFAB tumanggap ng pagkilala mula sa DICT 3 appeared first on 1Bataan.