Pormal na binuksan nitong Sabado ang kauna-unahang flyover sa Bataan na matatagpuan sa Alauli Junction, Roman Superhighway sa bayan ng Pilar.
Pinangunahan ito ng mga DPWH officials kasama sina Bataan Governor Joet Garcia, 2nd District Congressman Abet Garcia, Pilar Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Ces Garcia at mga Provincial Board Members.
Ang naturang tulay ay nagkakahalaga ng P150 Milyon at na-construct o pinagawa para maibsan ang mga aksidente o road crashes sa naturang lugar na itinuturing na most accident-prone area sa Bataan. Sinimulan ang construction nito noong Enero 2022 at natapos nitong December 8, 2023 at itinuturing na French-assisted Superstructure.
The post Alauli Flyover sa Pilar, binuksan na! appeared first on 1Bataan.