Hindi maikakaila ang malaking paghanga ni Congresswoman Gila Garcia maging ng mga kasamahan niya sa Kongreso matapos na marinig nila ang Jose Depiro Orchestra nang tumugtog ito doon kamakailan.
Ayon kay Cong. Gila matagal na panahon na siyang nakasubaybay sa mga batang bumubuo sa orkestra, at nakita niya ang kanilang pagsisikap sa kabila ng kahirapan. Nitong nakaraang Linggo, ang mga magulang ng mga batang ito ay binigyan niya ng tulong pinansyal sa kanyang programa. Sinabi niyang nais niya na maging matatag ang bawat pamilya, na ang prayoridad ay ang kanilang edukasyon, kalusugan at magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagiging matatag na pamilya, pagiging mabuting mamamayan at higit sa lahat may taimtim na pananampalataya sa Dios.
Ibinalita pa ni Cong. Gila sa mga magulang kung gaano kamangha ang mga Kinatawan ng Kongreso nang tumugtog ang mga anak nila doon, na sa tuwa ng ibang kongresista ay napasayaw pa. Dito ay napagtanto ni Cong. Gila kung ang malaking paghanga ng mga Kongresista sa nasabing orkestra, at marahil ay wala silang ganitong programa sa kanilang lalawigan, kung kaya’t sinabi niyang patuloy niyang tutulungan ang mga magulang at mga kabataang bumubuo ng Jose Depiro Orchestra para sa kanilang kinabukasan.
The post Ayuda para sa Jose Depiro Orchestra appeared first on 1Bataan.