Nasa 350 Iskolar ng Hermosa ang nabigyan ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Hermosa Mayor Jopet Inton. Ayon kay Mayor Jopet, bawat Iskolar na benepisyaryo ay nakatanggap ng P4,000 bilang dagdag pambaon at panggastos ng mga nasa Grades 11 and 12 o Senior High Schools.
Sa kanyang maikli ngunit masayang talumpati sa mga mag-aaral ay nagbigay ng kanyang payo si Mayor Inton hinggil sa kahalagahan ng edukasyon at bentahe ng nakagraduate o nakatapos nang pag-aaral.
Ipinagmalaki din ng alkalde na sa ngayon ay ang Bayan ng Hermosa na ang pinakamayaman at pinakamaunlad na bayan sa Unang Distrito ng Bataan. “Asahan po ninyo ang mas marami pang mga biyaya para sa ating mga kababayan sa patuloy na pag-unlad at ‘paglipad ng Hermosa,’” pahayag pa ni Mayor Jopet.
The post Ayuda sa 350 Iskolar ng Hermosa, ipinamahagi! appeared first on 1Bataan.