Bagac Command Center sasailalim sa rehabilitasyon

Philippine Standard Time:

Bagac Command Center sasailalim sa rehabilitasyon

Malaking tulong sa bayan ng Bagac ang kanilang Command Center, sa maagap na pagresponde ng LGU at MDRRMO sa oras ng panganib at kalamidad bukod pa sa nagbibigay din ito ng kapanatagan sa mga mamamayan lalo na umano sa gabi dahil dama nilang laging may nagbabantay.

Subali’t sa ngayon ay kinakailangan umanong sumailalim ito sa rehabilitasyon, ayon kay Mayor Ron del Rosario, at upang magkaroon ng real time monitoring, inimbitahan nila ang ONESOLUTION PH, para pag-aralan ang pag implementa ng surveillance system na may matatag at mabilis na connection.

Sinabi pa ni Mayor Ron del Rosario na kapag naayos na ang rehabilitasyon ng kanilang Command Center at malalagyan nang mahusay na koneksyon ng mga CCTV units sa buong bayan ay magiging mabilis ang koordinasyon ng yunit pamahalaang lokal at mga responders sa mga panahon ng emergency at kalamidad.

Binigyang-diin din ni Mayor Ron na ang rehabilitasyon ng Bagac Command Center ay isang hakbang tungo sa pagpapabuti ng seguridad at paghahatid ng serbisyo sa kanilang bayan; at ang mga teknolohiyang gagamitin ay malaking tulong para lalong masiguro ang kaligtasan at maayos na buhay ng kanyang mga kababayan.

The post Bagac Command Center sasailalim sa rehabilitasyon appeared first on 1Bataan.

Previous P20M Pondo para sa Bataan Youth Center ng BPSU

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.