Pormal nang inanunsyo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Chapter ang bagong hanay ng mga opisyal nito para sa taong 2025 hanggang 2028.
Pinangunahan ni Hon. Antonio L. Raymundo Jr. (Orion) bilang bagong halal na Pangulo, kasama si Hon. Carlos Pizarro Jr. (Pilar) bilang Pangalawang Pangulo, at si Hon. Ace Jello Concepcion (Mariveles) bilang Kalihim ng grupo.
Kasama rin sa mga bagong opisyal sina Hon. Anne Lorraine Inton (Hermosa) bilang Ingat-Yaman, Hon. German Santos Jr. (Dinalupihan) bilang Auditor, at Hon. Leila Muñoz (Morong) bilang Public Relations Officer. Kabilang naman sa Board of Directors sina Hon. Richie Jason David (Limay), Hon. Ron Michael Del Rosario (Bagac), Hon. Alexander Acuzar (Samal), Hon. Erik Martel (Abucay), at Hon. Antonio Arizapa Jr. (Orani).
Layon ng bagong pamunuan na itaguyod ang mahusay na pamamahala at mas pinaigting na serbisyo publiko para sa ikauunlad ng bawat bayan sa lalawigan.
Nagpahayag ng mainit na pagbati ang LMP-Bataan sa mga bagong halal na lider at umaasang magiging matatag ang kanilang pamumuno sa susunod na tatlong taon. Sa temang “Leadership in Action,” nakatuon ang grupo sa pagtataguyod ng kaunlaran, pagkakaisa, at integridad sa pamahalaang lokal ng Bataan.
The post Bagong hanay ng mga opisyal ng LMP-Bataan, itinalaga na appeared first on 1Bataan.