Kaugnay sa temang “Bahay ni Impo Halloween goes to Disneyland”, dumating si Cong. Gila Garcia sa trick or treat event na naka- costume bilang si Ariel sa pelikulang the Little Mermaid at ang kanyang chief of staff, si Rolly Rojas bilang si Nemo.
Ayon kay Cong. Gila, ang ganitong pagdiriwang ay ginaganap nila sa bayan ng Dinalupihan taun-taon para bigyang saya ang mga bata na makapagsuot ng costume sa kanilang halloween trick or treat; na sa ngayon ay lalo umanong, pinalaki, pinasaya at pinaganda.
Samantala, sinabi naman ni Mayor Tong Santos na ang Bahay ni Impo ay sinimulan noong Mayor pa si Cong. Gila Garcia. Dagdag pa ni Mayor Tong na ang nasabing pagdiriwang ay dadagsain ng may 4 hanggang 6 na libong bata mula sa kanilang mga day care centers, pati na mga grades 1 to 4 elementary pupils schools na pipila sa may 28 booths na inihanda ng kanilang mga department heads. Nagkaroon din ng contest para sa may kakaiba at creative na costume para sa mga batang edad 10 pataas.
Nagpasalamat si Mayor Tong Santos sa lahat ng mga sumuporta sa matagumpay na pagdiriwang;
The post Bahay ni Impo Halloween goes to Disneyland appeared first on 1Bataan.