Unti-unti nang lumalakas at bumabangon ang ekonomiya matapos ang pandemya na nagpataob sa mga negosyo sa Balanga City Public Market.
Sinabi ni Joselito Evangelista, city treasurer, na nagno-normalize na ang operasyon ng palengke ng Balanga.
“Sa ngayon marami nang nagtitinda sa hapon, dati kasi hanggang 12:00 noon lang,” paliwanag pa ni Evangelista.
Bago umatake ang Covid-19, ang palengke ay kumikita ng P37 million bawat taon.
Isa ang public market sa nag-uuwi ng malaking kita para sa pamahalaang panlungsod. Ipinaliwanag pa ni Evangelista na sa ngayon mga traders pa lang ang nagdadala ng karneng baboy kung kaya’t may kamahalan pa ang karneng baboy na pumapalo mula P360 hanggang P370 bawat kilo.
“Sa ngayon yung mga hog raisers takot pa magbenta ng baboy dahil sa African swine fever,” dagdag pa ni Evangelista.
The post Balanga city public market unti-unting bumabangon appeared first on 1Bataan.