Bilang pinakahuling bahagi ng pagdiriwang ng ika-82 taong Araw ng Kagitingan, màhigit 700 siklista ang lumahok sa ginanap na Bataan Freedom Ride 2024 nitong nakaraang Sabado na sinimulan sa sampung (10) starting points sa iba’t ibang bayan sa lalawigan mula alas kwatro hanggang alas sais ng umaga.
Malaking bahagi ng Bataan Freedom Ride 2024 ang mga Death March markers na dinaanan ng mga siklista, na nagpapaalala sa kasaysayan ng ating mga bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig.
Isa si Mayor Tonypep Raymundo sa mga lumahok sa grupo ng bikers sa bayan sa Orion. Sa isang simpleng programa sa Bataan Tourism ground, sinabi ni Doc Bong Galicia na dapat ibigay natin ang buong pusong paggalang at pagpapahalaga sa mga nasabing markers na mga simbolo ng sakripisyo at pag aalay ng buhay ng mga ninuno nating mga bayani para sa tinatamasa nating kalayaan at kaunlaran sa ngayon. Buong puso naman ang pasasalamat ni Gov. Joet Garcia sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa matagumpay na freedom ride.The post Bataan Freedom Ride 2024, matagumpay appeared first on 1Bataan.