Bataan, isa sa pinakamapayapang lalawigan sa Region 3

Philippine Standard Time:

Bataan, isa sa pinakamapayapang lalawigan sa Region 3

Ito ang pahayag ng bagong PNP Provincial Director Romell Velasco sa isang pulong sa mga mamamahayag nitong nakaraang lunes, kung saan, ang lalawigan ng Bataan kasama ang Aurora at Zambales ang may pinakamababang crime incidence sa buong rehiyon.

Sinabi pa ni Velasco na ito ay malaking hamon sa hanay ng kapulisan sa kabila nang, ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay hindi lamang sa mga pulis nakaatang kundi sa ating lahat, kaya hinihingi din niya ang tulong at pakikiisa ng lahat.

Sa ngayon, nakatutok ang PNP sa darating na eleksyon kaya’t ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila ang pagdedeploy ng mga pulis sa iba’t ibang lugar ng ating probinsya. Kung kinakailangan ang karagdagang pwersa, para mapanatili ang peace and order lalo na sa araw ng eleksyon, maaari umano silang humingi nito sa AFP, Coast guard, SAF, Marines at Highway patrol.

The post Bataan, isa sa pinakamapayapang lalawigan sa Region 3 appeared first on 1Bataan.

Previous Magtatahong sa bayan ng Abucay, organisado na

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.