Bataan, makikiisa sa national vaccination days

Philippine Standard Time:

Bataan, makikiisa sa national vaccination days

Makikiisa ang 11 bayan at isang lungsod sa Bataan sa ilulunsad na Bayanihan Bakunahan o #VaxAsOne ng Pamahalaang Nasyonal sa ika-29 ng Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre ng taong ito.
Sa mga nasabing araw ayon Kay Bataan Governor Abet Garcia, bilang maagang pamasko ay bibigyan ng tig-5 kilong bigas ang bawat magpapabakuna para lalong maengganyo ang mga BataeƱong hindi pa nabakunahan na magtungo na sa 29 na vaccination areas at magpabakuna na.

ā€œBale bawat bakuna ay 5 kilong bigas po ang ating ipamimigay at sa ikalawang bakuna ay karagdagang 5 kilong bigas uli ang ipamimigay,ā€ pahayag ng Gobernador sa panayam ng media.
Ayon pa kay Gov. Garcia layon nito na mas lalong mapabilis ang inaasam na herd immunity at tuluyang makabangon na ang maraming BataeƱong labis na naapektuhan ng pandemya.

As of November 17, 2021 update ay umabot na sa 779,894 anti-Covid vaccines ang naiturok sa mga BataeƱo. Sa naturang bilang, 342,105 ang fully vaccinated habang 437,789 ang nakatanggap ng 1st dose.
Samantala, as of November 22, 2021 update ay nasa 178 active cases na lamang ng Covid19 ang naitala ng Bataan PHO.

The post Bataan, makikiisa sa national vaccination days appeared first on 1Bataan.

Previous SBMA OKā€™s P16.2-B new investments in 3rd quarter

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.