Nagkamit ng pinakamaraming porsyento ng Local Government Unit (LGU) awards ang Bataan kumpara sa lahat ng lalawigan sa Gitnang Luzon.
Ito ang buod ng pag-uulat ni Myra Moral-Soriano, director ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Bataan sa magkasamang-pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincil Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) noong Enero 26, 2022 sa pamamagitan ng Zoom.
Sinabi ni Bataan Gov. Albert Garcia na: “Nagpapatunay lamang ito na epektibo ang nagpapatuloy na kampanya natin laban sa iligal na droga dito sa ating probinsiya.”
“Asahan po ninyo na sa gitna ng pandemya ay patuloy nating itataguyod ang maulad, mapayapa at ligtas na Lalawigan ng Bataan para sa lahat ng Bataeno,” dagdag pa ng gobernador.
Tinalakay din ng punong-ehekutibo ng probinsiya sa naturang pulong ang estado ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan, mga plano at proyektong imprastraktura, road management, at iba pang mga programang pangkaunlaran.
The post Bataan may pinakamaraming karangalan appeared first on 1Bataan.