Bataan, most organized province – Sen. Ping

Philippine Standard Time:

Bataan, most organized province – Sen. Ping

Ganoon na lamang ang paghanga ni Senator Ping Lacson sa lalawigan ng Bataan, nang sabihin niyang, halos nalibot na niya ang Luzon, Visayas at Mindanao, at ang Bataan ang “most organized province” na napuntahan niya.

Nang makita niya ang 1Bataan Command Center na kinalalagyan ng tanggapan ng Metro Bataan Development Authority (MBDA), talaga umanong very impressive, at bilang isang senador ay bihira siyang makakita ng lalawigan, na ang vision ay napakahusay.

Inilahad din niya ang kanyang plataporma na kung tawagin niya ay B. R. A. V. E o budget reform advocacy for village empowerment. Ang tinutukoy niya sa salitang village ay ang mga yunit pamahalaang lokal (LGU).

Samantala, sinabi naman ng kanyang ka-tandem na si Senate Pres. Tito Sotto na kaibigan niya ang namayapang dating Gob. Tet Garcia, at masasabi niyang, “the fruits do not fall far from the tree” dahil ang mga anak ay kasing galing din ni Gob Tet.

Masaya niyang ibinalita na, sa tulong ni Senador Migz Zubiri, ang panukalang batas ni Cong Joet Garcia tungkol sa Metro Bataan Development Authority ay maipapasa na sa Senado.

The post Bataan, most organized province – Sen. Ping appeared first on 1Bataan.

Previous Kabayanihan ng mga frontliners, sentro ng mensahe ni PRRD

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.