Masayang ibinalita ni Congresswoman Gila Garcia ng Ikatlong Distrito, na isa ang Bataan sa apat na probinsya na napili ng Australian Government para sa programang Soil Science, ang iba pang mga probinsya ay ang Agusan, Ilocos, at Tarlac.
Ayon pa kay Cong Gila nagsimula ito nang i-introduce ang nasabing soil science program sa Kongreso ni Cong Eddie Bong Laza ng Agusan , kung kaya’t matapos niyang marinig ito ay agad niyang sinabi sa linatawan ng Agusan na interesado siya sa nasabing programa.
Agad din niyang inimbitahan sina Professor Chen ng Australian Govt at Dr. John Dee, isang IT sa Agusan sa lalawigan ng Bataan para ipakita ang ating1Bataan farms.
Kaugnay dito, noong nakaraang Dec 6- 11, 2023 ay nakasama si Cong Gila sa delegasyon sa Canberra at Queensland, Australia, kung saan ay nagpunta rin sila sa International Agricultural Research of Australia. Nag-alok din ang British University ng Ssholarship sa ating mga agriculturists para sa masteral at doctorate degrees on soil science para may tumutok umano sa nasabing programa. Mahalaga umano ang dagdag na kaalaman at kskayahan sa soil science ng ating mga agriculturists.
Matatandaang, nang pumunta sa 1Bataan farms sina Professor Chen at Dr. John Dee ay nakapili na sila ng site kung saan kumuha sila ng mga sample ng lupa na ipinadala sa Australian Agricultural Research, para ma-test at kapag nalaman na ang resulta hinggil sa kalidad ng lupa, ay magagamit ang mga ito para higit pang mapaunlad ang ating pagsasaka.
The post Bataan, napili para sa soil science program ng Australia appeared first on 1Bataan.