Bataeño, muling hinikayat na magsuot ng face mask

Philippine Standard Time:
blank

Bataeño, muling hinikayat na magsuot ng face mask

Sa pamamagitan ng kanilang Resolution No. 53 (June 2, 2023), muling hinihikayat ng Provincial Task Force against COVID-19 ang mga mamamayan na muling magsuot ng face mask sa buong lalawigan.

Ang nasabing resolusyon, ay base sa datos ng Provincial Health Office na pagtaas ng kaso ng Covid-19 na umabot sa 160 active cases noong May 26, 2023 na may posibilidad na magpatuloy na tumaas sa positivity rate na 15.20% kada linggo.

 

Bagama’t sinasabi ng World Health Organization (WHO) na hindi na global health threat ang Covid-19, sinabi ni Gov. Joet Garcia na maganda na rin umano ang nag iingat kaysa magkasakit kung kaya’ t hinihikayat niya ang mga mamamayan na magpabakuna at magsuot ng face mask para maiwasan ang pagkalat ng virus at local transmission lalo na sa mga senior citizens at may comorbidities.

Ang pagsusuot ng face mask ay ipinatutupad sa mga health care facilities tulad ng ospital, medical transport vehicles at mga pampasaherong mga sasakyan.

The post Bataeño, muling hinikayat na magsuot ng face mask appeared first on 1Bataan.

Previous Newsmen tour GNpower plants in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.