Nakatakdang ganapin sa ika-25 hanggang ika-29 ng Nobyembre ang 25th Likha ng Central Luzon na ayon sa DTI ay ang pinakamatandang trade fair sa buong bansa. Ang nasabing trade fair na idaraos sa SM Megamall sa Mandaluyong ay may temang, “Supporting Market Ready Entrepreneurs for 25 Years”.
Ayon kay OIC DTI Provincial Director Eileen Ocampo na sa 155 exhibitors mula sa pitong (7) probinsya ng Central Luzon, 23 ang manggagaling sa Bataan na sasalihan ng lahat ng industry clusters tulad ng niyog, kape, cacao, nuts, processed foods. Ang mga branding ng mga MSME’s sa Likha ng Central Luzon na mula sa 7 lalawigan ay ang, (1) Syempre Aurora (2) GALING BATAAN – Bataan; (3) Tatak Bulakenio; (4) Taas Noo Novo Ecijano; (5) Love Pampanga; (6) Natural Tarlac at (7) Zambales Finest.
Ibinalita rin ni DTI PD Ocampo na ngayong buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang natin ang Consumer Welfare Month, kung saan iba’t ibang gawain ang isinasagawa para higit pang matutunan ng mga mamimili ang batas at kanilang mga karapatan lalo na sa mga dapat ireklamong produktong kanilang mga nabili.
Ilan sa mga gawain ay ang Provincial Virtual Quiz Bee, Poster Making contest, at Spoken Poetry na gaganapin sa ika-27 ng Oktubre sa Atrium sa The Bunker. Ang kanilang awarding ceremonies para sa lahat ng nanalo sa mga contests ay magsisilbi na ring mini reunion ng lahat ng kanilang Consumer Welfare Councils mula sa iba’t ibang bayan.
The post Bataenos, lalahok sa 25th Likha ng Central Luzon appeared first on 1Bataan.