Mahigpit na ipinagbabawal sa Lungsod ng Balanga ang pagsusunog ng mga tuyong dahon, damo at iba pang uri ng basura dahil ito ay nakasisira sa kapaligiran at nakaaapekto sa kalusugan.
Ang nasabing ordinansa na pinanukala ni Konsehal Ricardo Magpantay ay naglalayong mapangalagaan hindi lamang ang kalusugan ng mga mamamayan kundi bilang tugon sa nararanasang climate change sa buong.mundo.
Ang mga lalabag sa ordenansa ay pagmumultahin ng P3,000 sa unang pagkakasala; P5,000 sa pangalawa; at pagpapasara sa negosyo sa pangatlo para sa mga may-ari ng establisemento.
Sa individual naman o sa pangkaraniwang residente, P1,000 para sa unang paglabag; P2,000 sa pangalawa; at P3,000 sa pangatlo at mga susunod pang paglabag.
Ang lokal ng pulisya (PNP), Bureau of Fire Protection, City Disaster Risk Reduction Management Office, City Environment and Natural Resources Office, City Peace and Order Office at Barangay ang naatasang magpatupad ng City Ordinance No. 09, taong 2023.
The post Bawal magsunog ng dahon, iba pang basura appeared first on 1Bataan.