Bayan ng Hermosa, Mukha ng Bataan

Philippine Standard Time:

Bayan ng Hermosa, Mukha ng Bataan

Sa katatapos na paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng NLEX na kinatawan ni Pres. at Gen. Manager Luigi L. Bautista, at yunit pamahalaang lokal ng Hermosa para sa pagpapailaw sa bungad ng Dinalupihan exit sa SCTEX, buong pagmamalaking sinabi ni Mayor Jopet Inton na ang Hermosa, ang mukha ng Bataan kung kaya’t dapat lamang na kahit gabi ay maliwanag at maaliwalas ang daan papasok dito.

Ipinaliwanag ni Mayor Jopet Inton na dahil madilim sa nasabing exit, karaniwan ay maraming naliligaw o na aaksidente, kung kaya’t agad siyang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng NLEX, na agad namang tumugon sa kanyang kahilingan, para sa kaligtasan nang lahat ng mga bibisita sa ating lalawigan.

Binigyang-diin ni Mayor Inton na ang kaligtasan ng mga motorista ang pangunahing layunin ng nasabing proyekto, maiwasan ang malito kung saan ang entrance papuntang SCTEX, gayundin ang peace and order, dahil kapag maliwanag, mapipigilan nito ang nagbabalak na gumawa ng krimen.

Higit sa lahat, ang maayos na daan ay ugat ng kaunlaran, isa umano sa mga dahilan kung bakit progresibo ang bayan ng Hermosa ay dahil sa SCTEX, na dinaraanan papuntang Subic, gayundin ang mga galing ng Maynila, gamit ang SCTEX, na nagdudugtong sa iba’t ibang bayan tulad ng Pampanga at iba pang lugar.

Samantala sa mensahe naman ni NLEX President & Gen. Manager Luigi L. Bautista, sinabi niya na mahalaga ang nasabing pagtitipon hindi lamang dahil sa proyekto kung hindi lalo’t higit ang 18 taong partnership ng bayan ng Hermosa at NLEX, simula pa noong 1996 sa unang proyekto nila na Subic- Freeport Expressway.

The post Bayan ng Hermosa, Mukha ng Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan PYC celebrates 2022 Youth Congress

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.