Hindi lamang isa kundi dalawang national awards ang nakuha ng bayan ng Pilar sa magkasunod na linggo nitong buwan ng Nobyembre. Ang mga nasabing awards ay ang, 2023 GAWAD KALASAG AWARD for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance, at ang pangalawa ay ang 2023 Anti- Drug Abuse Council PERFORMANCE AWARD. Ginanap ang awarding ceremony sa Crowne Plaza Manila Galleria, na may temang ” Bayang Pinag-isa ng Diwa laban sa Ilegal na Droga”.
Ayon kay Pilar Mayor Charlie Pizarro na gayon na lamang ang kanilang kasiyahan dahil ang mga nasabing parangal ay malalaking programa ng pamahalaaang nasyonal, na ang ibig lamang sabihin ay talagang kahanga- hanga ang kanilang performance at nasatisfy ang mga hurado.
Pinasalamatan ni Mayor Charlie ang mga kawani ng Pilar MDRRMO na ibinigay ang kanilang “best foot forward” sa serbisyo, gayundin naman sa kanilang mga kasama sa Anti-drug Abuse Council sa aktibong pakikiisa sa kanilang mga programa at serbisyo lalo na ang kapulisan sa kanilang adhikain na mailayo ang ating mga kabataan sa ipinagbabawal na droga. Dagdag pa ni Mayor Pizarro na patuloy ang kanyang suporta sa mga nasabing mga programa tungo sa nagkakaisang layunin ng bayan ng Pilar na maging matatag, mapayapa at maayos ang mga pamilyang Pilarians
The post Bayan ng Pilar, nagkamit ng dalawang parangal appeared first on 1Bataan.