Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Pilar ang Onsite validation ng Local Committee against Trafficking and Violence against Women and Children.
Pinangunahan ni Mayor Charlie Pizarro ang nasabing Validation kasama ang mga kasapi ng LCAT VAWC ng kanilang bayan sa pamumuno ni Konsehala Aurea Iguico at mga kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan na nagsagawa ng masusing pagsusuri sa mga programa at inisyatibo ng bayan ng Pilar para sa kaligtasan ng mga kababaihan, mga anak at kabataan.
Gayun na lamang ang tuwa ni Mayor Charlie Pizarro at mga kasama dahil sila ay nakakuha ng mataas na gradong 110% sa isinagawang assessment.
Ayon pa kay Mayor Pizarro talagang mahigpit ang pagpapatupad nila ng RA 9262, violence against women and children”, na ginawa para maprotektahan ang mga babae at mga anak mula sa iba’t ibang pang aabuso, maging ito’y pisikal, sekswal o sikolohikal .
The post Bayan ng Pilar nakakuha ng gradong 110% sa LCAT VAWC Assessment appeared first on 1Bataan.