Nag umpisa nang umarangkada sa kanilang operasyon ang mga beach resorts sa Bagac, kasunod ng pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Sinabi ni G. Nick Ancheta, municipal administrator ng Bagac, sa umpisa naging maluwag si Mayor Ramil del Rosario sa pagpapatupad ng mga requirements. “Subalit sa ngayon ay lahat ng beach operators ay nakaka-comply na sa requirements,” sabi pa ni Ancheta.
Sa ngayon, mayroon nang 40 beach resorts sa Bagac na nakahandang tumanggap ng mga ekskursionista mula sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan. Sinabi din ni Ancheta, na bilang health protocol, kailangan lamang ng mga bisita na magpakita ng kanilang vaccination card.
The post Beach resort owners umaarangkada na appeared first on 1Bataan.