BEST, katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan

Philippine Standard Time:

BEST, katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan

Sa ginanap na groundbreaking ceremony kahapon, muli na namang napatunayan kung gaano kahalaga at ka-epektibo ang isang Public-Private Partnership (PPP), kung saan lumagda sa isang kasunduan ang Basic Environmental Systems and Technologies, Inc. (BEST) at Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan para sa itatayong Bataan Engineered Sanitary Landfill Facility at Community Ecology Center sa bayan ng Abucay.

Pinangunahan ni Gov. Abet Garcia ang nasabing seremonya kasama sina Vice Gov. Cris Garcia, BEST President and CEO Isabelita Paredes-Mercado, Legal Consultant Atty Joey Angeles, Mayor AJ Concepcion at AFAB Administrator Emmanuel Pineda.

Layon ng proyektong ito na tugunan ang matagal nang suliranin ng lahat ng bayan sa lalawigan hinggil sa problema sa basura. Ito rin ay bilang pagtalima sa isinasaad sa Republic Act 9003 o the Ecological Solid Waste Management Act, na kinakailangang magkaroon ang bawat bayan o lalawigan ng isang ligtas at environment-friendly na pamamaraan ng paghakot at pagproseso sa mga basura mula sa mga munisipalidad nito.

Ayon kay Gov Abet Garcia ang pagkakaroon ng Engineered Sanitary Landfill Facility at Community Ecology Center ay malaking tulong para makatipid ang ating mga lokal na Pamahalaan at mailaan naman ang natipid na pondo sa iba pang proyekto tulad ng pagkakaroon ng mga bagong bagon, modernong sasakyan at sistema ng paghakot ng basura, benepisyo sa mga basurero at iba pa.

Kinakailangan din, ayon pa kay Gov Abet na hikayatin ang bawat pamilya at kabahayan sa tamang paraan ng paghihiwalay ng basura upang sila ay maging katuwang sa pagpapanatili ng isang ligtas at malinis na pamayanan.

The post BEST, katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Bilang ng mga manggagawa sa Subic, umabot na sa 145,230

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.