Tinanghal na kampeon sa katatapos na Fire and Rescue Olympics 2025 ng Balanga City na ginanap sa Vista Mall Parking area na nilahukan ng mga fire fighters ng 25 barangay at tatlong departamento ng Pamahalaang Panlungsod.
Kampeon ang Brgy. Pto. Rivas Lote na nakakuha ng iskor na 92, pumangalawa naman ang Brgy. Pto. Rivas Ibaba sa iskor na 88 at Brgy Tenejero ang pumangatlo sa iskor na 87, base sa iba’t ibang paligsahan tulad ng hose relay, bucket laying at fire extinguishment.
Nanguna sina Sr. Inspector Fire Mashal A. Jairi ng Balanga Fire Protection ( BFP) at Engr. Dennis Mariano, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na nagsabing ang pagdaraos ng fire olympics ay pagpapakita ng kabayanihan ng mga fire fighters dahil sa paglalagay sa panganib ng kanilang buhay sa tuwing sila ay rumeresponde sa mga sunog.
The post Bgy Pto. Rivas Lote, GSO Balanga, kampeon sa Fire and Rescue Olympics 2025 appeared first on 1Bataan.