Upang higit pang matulungan ang mga sumasailalim sa rehabilitasyon, na maging mas matatag pa ang pagbabago sa pagbabalik sa kani-kanilang pamilya at komunidad, inilunsad ng Treatment Rehabilitation Center (TRC), sa pamumuno ni Dr. Elizabeth Pizarro- Serrano, Chief of Hospital III ang Bataan Inter Agency Intervention to Addiction (BIAIA).
Paliwanag ni Dr. Serrano, maayos ang mga “residente” habang sila ay nasa rehabilitation center, nagiging peoblema lamang kapag bumalik na sila sa komunidad, at may mga bumabalik sa dating bisyo, na nagpapakita na kulang ang suporta mula sa komunidad.
Dahil dito ay inilunsad nila ang AYUDA o ” Always Yes to Unite against Drug Abuse” kung saan ay magagamit sa positibong paraan ang potensyal ng mga tinatawag nating “maritess” at ” tolits” upang makatulong sa pagpapalaganap ng magagandang gawain o programa na makatutulong sa tuluyang pagbabago ng mga residente kapag nasa komunidad na sila.
Samantala, ipinaliwanag ni PDEA Agent Deo Tabor ang maayos na proseso para makatulong ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng kanilang Barangay Anti-drug Council o BADAC.
Nilinaw pa ng PDEA na sila, maging ang kapulisan ay sa operation lamang, higit umano ang magagawa ng barangay na matulungan na makaiwas ang mga kabataan laban sa droga gayundin ang mga nais magbago na nakaranas nito.|
The post BIAIA inilunsad ng Treatment Rehabilitation Center appeared first on 1Bataan.