Sa panayam kay Gob. Abet Garcia, sinabi nitong sa National Vaccination Days, simula ika-29 ng Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre ng taong ito, layon umano ng Pamahalaaang Nasyonal na makapagbakuna ng 15M mga kababayan natin.
Bilang suporta sa layuning ito at upang makahikayat nang mas marami pa nating mga kababayan na magpabakuna ay, magbibigay ang pamahalaaang panlalawigan ng tig limang (5) kilong bigas sa lahat ng magpapabakuna sa mga nasabing araw, lalo na iyong tatanggap ng 1st dose.
Ayon pa kay Gov. Abet, upang masiguro ang tagumpay ng National Vaccination Days, ay kanyang pupulungin ang lahat ng ating mga health workers, opisyal ng barangay at mga punong bayan para maayos na maisagawa ang nasabing gawain.
Subalit binigyang linaw ni Gob. Abet na bagamat ang National Vaccination Days ay tatlong (3) araw lamamg, ang pagbabakuna ay patuloy pa rin hanggang sa maabot natin ang herd immunity sa ating lalawigan.
Ipinagmalaki rin ng magiting na Gobernador na, sa labas ng Metro Manila, isa ang ating lalawigan sa nangunguna sa roll-out ng vaccination at inaasahan na maging ganap at laganap ang pagbabakuna sa ating mga kababayan para sa maligaya, at ligtas na pagdiriwang ng Pasko.
The post Bigas para sa bakunadong Bataeno appeared first on 1Bataan.