Ibigay natin sa mga minamahal nating beterano ng nakaraang Digmaang Pandaigdig ang nararapat habang sila ay kapiling pa natin.
Ito ang mariing sinabi ni Congresswoman Gila Garcia sa katatapos na “Parangal sa mga Bayani” kaugnay ng pag-aalaala ng bansa sa Ika-81 “Araw ng Kagitingan.”
Sinabi ng kongresista ng Ikatlong Distrito ng Bataan na “dapat nating alalahanin na dahil sa kanilang edad konting panahon na lamang ang ilalagi ng ating mga bayani sa ibabaw ng mundo.”
Ayon sa rekord o tala ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), mayroon na lamang 1,700 ang nabubuhay na mga beterano mula sa mahigit 4,000 noong mga nakaraang taon.
Ayon pa sa PVAO, sa loob ng isang buwan umaabot sa humigit-kumulang 30 beterano ang namamatay dahil sa iba’t-ibang isyung pangkalusugan.
The post Bigyan natin sila ngayon ng kasiyahan—Cong. Gila first appeared on 1Bataan.
The post Bigyan natin sila ngayon ng kasiyahan—Cong. Gila appeared first on 1Bataan.