Patuloy ang pagkilos ng Bureau of Internal Revenue o BIR RDO- 020 sa pamumuno ni Atty Mercedes Estalila, upang ipabatid sa tax-paying public ang nalalapit na deadline sa pag-file ng Annual Income Tax Return para sa taxable year 2023.
Ayon kina Ms. Emma Rodriguez, Christian Pantig at Ms.Rhollete Reyes, mga opisyal ng BIR Bataan sa kanilang radio.guesting, karaniwan na sa ating mga Pilipino ang nagkukumahog kapag huling araw na o deadline sa pagpa- file ng ITR. Kung kaya’t ngayon pa lang ay hinihikayat na nila ang ating mga kababayan na mag-file na ng kanilang income tax returns upang maiwasan ang pagmamadali sa dami ng mga taong magpa-file gayundin ang mga penalties na makukuha sa late payments.
Ipinaliwanag din ng mga Revenue Officers na ang mga taxpayers ay maaaring gumamit ng Electronic Filing and Payment System ( eFPS) sa pagbabayad ng kanilang buwis, na maaaring bayaran electronically sa mga Authorized Agent Banks (AABs) sa mga bangko, Development Bank of the Phil (DBP), LANDBANK, Union Bank at mga Tax Service Providers tulad ng Gcash, Paymaya at MyEG.
Ang kagandahan sa BIR Bataan, bukod sa nagtalaga sila ng mga empleyado para mag assist sa kanilang BIR Tulungan Center, na nasa 2nd floor ng SM City Bataan, mula April 1-15, Lunes hanggang Biyernes, 8am- 5pm. Bukas din ang kanilang opisina maghapon ng April 6 at 13 sa Galeria Victoria Mall. Ang mga bangko ay mag-extend ng banking hours hanggang alas-singko ng hapon.
Sinabi naman ni Atty. Estalila na kung nais malaman ng tax paying public ang mga applicable forms na gagamitin, gayundin para sa Special Program for the Employment of Students at iba pang mga katanungan, bukas ang kanilang opisina sa Galeria Victoria Mall o di kaya naman ay sa kanilang Facebook page, Bureau of Internal Revenue RDO 020 Balanga City Bataan para sila ay matulungan. Dagdag pa ni Atty. Estalila, “ang pagbabayad ng buwis ay hindi lamang obligasyon kundi mahalagang kontribusyon dahil SA TAMANG BUWIS, PAG ASESNSO’Y MABILIS”.
The post BIR muling nanawagan appeared first on 1Bataan.