Karaniwan na sa ating mga kapatid na katutubo o Indigenous people (IP’s) na wala silang mga birth certificates, sa kadahilanang sila ay sa kabundukan naninirahan at batay na rin sa kanilang nakaugalian, sila na mismo ang nag papaanak sa kanikang mga kapwa IPs na buntis.
Ito ay laging nagiging problema kapag ang mga batang katutubo ay magsisimula nang mag-aral at wala silang maipakitang birth certificate sa paaralang kanilang papasukan.
Ayon kay G. Richard Guevarra, Supervising Statistical Specialist ng Phil. Statistics Authority sa Bataan, nakita ng PSA, na sa halos lahat ng mga bayan sa lalawigan ng Bataan na may grupo o tribo ng mga katutubo ay nagiging problema ito sa mga paaralan, kung kaya’t naisip nila na ilunsad ang proyektong “Birth Certificate Assistance”.
Sinabi ni G. Guevarra na sa ngayon ay puspusan ang pakikipag ugnayan ng kanilang opisina kay Board Member Rosita Sison, IPM Representative sa Sangguniang Panlalawigan ng Bataan, sa mga punong-bayan na mayroong mga katutubo at maging sa mga paaralan para malaman ang kabuuang bilang ng mga batang katutubo na walang birth certificate at kung papaano nila ito isasagawa, pangunahin na sa bayan ng Dinalupihan.
Hindi ganoon kadali ang proyekto ayon kay Guevarra, mahirap ang pagkalap ng datos gayundin ang kakulangan nila ng mga tauhan, at iba pang gamit subali’t buo ang kanilang paniniwala na dapat nila itong bigyan ng pansin.
The post Birth registration sa IP’s sinimulan ng PSA appeared first on 1Bataan.