Nakakolekta ang Port of Limay ng P8.9 bilyon noong Mayo, na may record-breaking na surplus na mahigit P1.9 bilyong piso.
Ito ang naiulat sa panayam ng RMN News kay District Collector William Balayo base sa kanyang report na ipinadala kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ang eksaktong koleksyon ng Port of Limay noong Mayo ay P8,981,208,884. o 26.93 porsyento na mas mataas sa kanilang target.
Samantala, alinsunod sa mandato nitong mangolekta ng mga kita, nalampasan ng Bureau of Customs (BoC) ang target nitong koleksyon noong Mayo 2022 ng 20.8 porsiyento, o P11.767 bilyon, na may aktwal na koleksyon na P68.245 bilyon kumpara sa P56.478 bilyong target na koleksyon.
Batay sa paunang ulat mula sa BoC-Financial Service, 15 sa 17 collection districts ang lumampas sa kanilang target para sa buwan.
Ito ay ang Port of San Fernando, Port of Manila, Manila International Container Port, Ports of Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri at Limay.
The post BOC Limay nakapagtala ng P1.9-B surplus collection appeared first on 1Bataan.