Sa panayam kay Mariveles Mayor AJ Concepcion, sinabi nito na medyo mababa ang bilang ng mga nabigyan ng booster shots sa kanilang lugar na umaabot lamang sa 27%.
Subalit kung 1st at 2nd dose ang pag uusapan ay almost 100% na ang kanilang bayan at maaaring ang hindi na lamang umano nagpapabakuna ay yong may mga katanungang may kinalaman sa relihiyon.
Isa umano sa nakitang problema ay yong malaking bilang ng mga manggagawa na hindi pa nakatatanggap ng booster shots dahil “wala silang oras” para magpabakuna. Kung kayat ang nakita nilang solusyon, ay ang dalhin mismo ng FAB bakuna team ang bakuna sa iba’t ibang kompanya, upang ang lahat ng mga kwalipikadong manggagawa na tumanggap ng booster shots ay doon na mismo mabakunahan.
Handang-handa namang tumulong ukol dito ang Authority of the Freeport Area of Bataan sa pamumuno ni Engr. Emmanuel Pineda.
Upang lalo pang mapaigting ang nasabing programa, susuyurin ng kanilang mga municipal health workers, sa tulong ng mga opisyal ng barangay ang mga barangay para mabakunahan ang mga mamamayan. Dagdag pa ni kay Mayor AJ, “kung hindi sila makapunta sa vaccination site, eh di tayo ang pupunta sa kanila.”
The post Booster shots dadalhin sa mga kompanya appeared first on 1Bataan.