Nagbukas ang Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA) ng Plant Quarantine Service (PQS) office sa Subic Bay Freeport upang masiguro ang proteksyon ng agrikultural na industriya sa bansa.
Pinangunahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Eduardo Jose L. Aliño ang inagurasyon ng National Plant Quarantine Services Division (NPQSD) office noong Martes. Layunin ng bagong opisina na ito na pigilan ang pagpasok ng mga dayuhang peste sa bansa, kontrolin ang pagkalat ng mga peste na mayroon na, at tiyakin ang pagsunod sa mga phytosanitary requirements ng mga trading partners.
Ayon kay Laurel, mahalaga ang pagtatayo ng opisina sa Subic dahil sa papel nito bilang sentro ng kalakalan at lohistika. Suportado rin ni SBMA Chairman Aliño ang hakbang na ito, dahil makakatulong ito sa pagpigil ng smuggling ng mga ilegal na produktong agrikultural sa Freeport. Ayon naman kay DA BPI Director Gerald Glenn Panganiban, lahat ng plant-based agricultural imports ay dadaan sa PQO para sa dokumento at inspeksyon bilang pagsunod sa mga regulasyon ng DA at Bureau of Customs (BOC).
The post Border control para sa mga produktong agrikultural sa Subic Port appeared first on 1Bataan.