Isinagawa ang isang makabuluhang dayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng Bataan Peninsula State University (BPSU) at ni re-elected Congressman Jett Nisay ng Pusong Pinoy Party List kamakailan sa BPSU Main Campus.
Pinangunahan ni BPSU President Dr. Ruby B. Santos-Matibag ang pagpupulong na layuning palakasin ang mga programa sa pagpapaunlad ng mga estudyante at imprastruktura ng unibersidad.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing pangangailangan ng BPSU, kabilang ang panukalang bagong site para sa Bagac Campus, pagpapa-aircon ng Bataan Youth Center sa Balanga Campus, at konstruksyon ng tatlong-palapag na Science Building sa Main Campus. Nagpahayag ng suporta si Cong. Nisay sa mga panukalang ito at tiniyak din ang patuloy na insentibo para sa mga varsity teams ng unibersidad.
Ibinahagi ni Cong. Nisay ang hangaring mas mapalawak ang partisipasyon ng mga estudyante sa paggawa ng mga polisiya. Aniya, “Ngayong second term, nais naming makuha ang mga saloobin ng kabataan sa policy-making.” Sa parehong pananaw, ipinahayag ni Dr. Santos-Matibag ang pag-asa sa mas maraming oportunidad para sa BPSU sa tulong ng Pusong Pinoy Party List. Inaasahan ang mga susunod pang pakikipagtulungan na magpapalakas sa akademikong kapaligiran ng unibersidad.The post BPSU at Cong. Jett Nisay, nagsagawa ng dayalogo appeared first on 1Bataan.