Isa sa mga pinasimulan ni Mayor Herman Santos sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan ay ang solid waste management.
Kanya umanong ginawang pilot area ang Brgy. Layac kung saan matagal siyang naglingkod bilang punong barangay, bago naging konsehal at ngayon ay punong-bayan ng Dinalupihan.
Sinimulan nilang ipatupad ang “no segregation, no collection policy” nang sa gayon, hindi lamang madisiplina ang mga tao kundi mabawasan din ang dami ng kinokolekta nilang basura, na sa bandang huli ay makatitipid ang pamahalaang bayan sa gastos sa pag-transport ng kanilang basura at magamit ang natipid na pondo sa ibang programa.
Sa magandang itinatakbo ng nasabing no segregation no collection policy, naniniwala siyang sa Enero ng taong 2023 ay maipatutupad na nila ito sa buong bayan ng Dinalupihan.
Kasama rin umano sa kanyang mga programang nasimulan at ipu-full blast sa susunod na taon ay ang educational programs, infrastructure at pagpapatuloy ng modern farming na sinimulan ni dating Mayor at ngayo’y 3rd district Congresswoman Gila Garcia.
The post Brgy. Layac, pilot area ng solid waste management appeared first on 1Bataan.