Brgy. Sumalo, patungo na sa kaunlaran

Philippine Standard Time:

Brgy. Sumalo, patungo na sa kaunlaran

Matapos ang maraming kaganapan na naging dahilan ng masalimuot na kaisipan, na nakaapekto sa pamumuhay ng mga residente, sa ngayon ay iba na ang estado sa Barangay Sumalo, bayan ng Hermosa.

Mismong angkan na ng Pamilya Litton ang namamahala dito; walang takot na nag-volunteer si Ms. Angela Litton- Falcon na maging manager dito upang ipakita na kaunlaran ang nais nila sa barangay.

Wala pang isang linggo sa kanyang pwesto bilang manager ng Riverforest Development Corporation, ay nakapag-donate na ang kanyang Lolo na si G. Jojo Litton Gallego nang may 300 sq meters na lote para sa isang religious sector sa nasabing barangay.

Pinulong ni Ms. Angela ang mga tao sa Sumalo, kasama ang abugado ng kompanya, na si Atty Jobert uoang ipaliwanag ang estado ng mga loteng kinatatayuan ng kani-kanilang mga bahay, na labis nilang ikinatuwa dahil wala nang magaganap na demolisyon kung ang lahat ay magkakaisa na sa mga gagawing programang pangkaunlaran sa barangay.

Inisa-isa ding kausapin ni Ms. Angela, ang mga pamilya, kakampi o hindi, dahil ang mahalaga umano ay maipaunawa niya sa lahat na wala silang dapat na ikatakot sa nga magaganap sa Sumalo dahil ang lahat ay para sa kapakinabangan ng bawat pamilya.

Ayon naman kay Ms. Chricel Bartolome, kalihim ng RDC na siyang kasa kasama ni Ms Angela sa pagbabahay- bahay, marami ang naliliwanagan at naniniwala sa kanilang adhikain.

Umaasa ang mayorya ng mga mamamayan ng Sumalo na magiging kaisa rin nila ang kanilang bagong punong barangay na si Kap, Rufo sa pag unlad ng kanilang pamayanan at mga ka-barangay.

The post Brgy. Sumalo, patungo na sa kaunlaran appeared first on 1Bataan.

Previous ‘Magbukun’ tribe gets food packs

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.