Bukod sa edukasyon, mahalaga rin ang kalusugan

Philippine Standard Time:

Bukod sa edukasyon, mahalaga rin ang kalusugan

Ito ang sinabi ni Gob. Abet Garcia sa pagbubukas ng Bataan Tourism Park, na kasabay ng pagsisindi ng mga Christmas lights sa The Bunker. Dagdag pa ni Gob. Abet na ito ay isang napakasayang pagkakataon dahil sa nalalapit na Kapaskuhan at bumababa na rin ang mga kaso ng COVID.

Dagdag pa ni Gob. Abet, napakaganda sa kalusugan ang Tourism Park, maging pisikal o mental.
Kabilang din umano sa mga bubuksang oval ang mga nasa bayan ng Dinalupihan at Orani, at maging ang 4-lanes sa Balanga City na ipinasasara tuwing week-end para doon makapag jogging ang mga tao.

Ibinalita din ni Gob. Garcia na sa susunod na taon ay tiyak na magugulat ang mga dadalo sa selebrasyon ng Araw ng Kagitingan dahil maayos na rin ang tig 3-metrong lapad na pathways sa magkabilang gilid ng daan. Mayroon nang maayos at ligtas na lalakaran ang mga tao sa gilid ng kalsada sa pag akyat ng Mt. Samat, Ito ay bukas buong taon, para sa physical and mental wellness ng mga tao.

The post Bukod sa edukasyon, mahalaga rin ang kalusugan appeared first on 1Bataan.

Previous OFW repatriation flights continue via Subic Freeport

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.