Ito ang magandang mensahe ni Bataan DTI Provincial Director Nelin Cabahug sa Diskwento Caravan na layunin umanong suportahan ang ating mga SMEs at tangkilikin ang sarili nating mga produkto.
Inilunsad kahapon ng DTI Bataan ang “Maagang Pamasko Diskwento Caravan sa Plaza Mayor ng Balanga mula kahapon hanggang ngayon( Nov. 15 to 16) para suportahan ang ating mga mangangalakal kasabay nito ay makinabang ang ating mga mamimili sa ibinibigay na 10% discount sa lahat ng produkto nang 58 participating SMEs kung saan 26 doon ay food products at 32 ang non- food.
Kasama ni PD Nelin sa ribbon-cutting sina Councilor Jowee Nisay-Zabala, Edmer Fabian ng Balanga City CEIDO, Bataan Consumer Affairs Council, Rolly Dizon at mga masisipag na staff ng Bataan DTI
The post Buy local, Go local appeared first on 1Bataan.