Bakas ang tuwa at saya sa mukha ng mga kabataang nakatanggap ng 250 piraso ng fisherman’s cap sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa Alion Elementary School sa Brgy. Alion, Mariveles.
Ayon kay Punong Barangay Al Balan, nanggaling ang mga ito kay Engr. Rouelito H. Rubia, General Manager ng Rouvia Road Yacht Construction Corp.
“Atin itong ipinamahagi sa mga mag-aaral ng kindergarten, Grades 1,2 at 3. Sa Alion Elementary School sa tulong ng Punong Guro Leonila Alcid at mga guro”.
Kasabay nito ay ipinamahagi din ang 2nd batch ng mga sapatos mula naman kay Police Col. Romell Velasco, PNP Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office, para sa Group 2 male students ng Mariveles National High School Alion Annex.
Nauna rito ay166 students ang nabiyayaan ng mga bagong leather shoes mula sa programa ng Bataan PNP community outreach program at ng Pamahalaang Barangay ng Alion.
“Muli po kami ay nagpapasalamat sa kasiyahang dulot ng mga regalo na ito para sa mga kabataang mag-aaral ng Alion,” dagdag pa ni Kapitan Balan.
The post Caps at sapatos ipinamahagi sa mga estudyante appeared first on 1Bataan.