Naging matagumpay ang kinalabasan ng proyekto ni Congresswoman Gila Garcia ng Ikatlong Distrito, na kanya namang iniulat sa mga naging katuwang na ahensya na DOLE- Tupad at DSWD-AICS.
Dahil sa naging epektibo ang proyekto sa pagtutulungan nang lahat na may iisang layunin, na ang mga basura ay mai-recycle, ang susunod na hakbang ayon kay Cong Gila ay dalhin ito sa Provincial Solid Waste Management Board kung saan kaanib ang lahat ng mga munisipyo upang mapag usapan kung papaano ito magiging sustainable.
Naniniwala umano siya na magiging win-win sa lahat kung magagawa ang cash to trashback project na, “by household” na, dati kasi ang unang ginawa ay sa mga school.
Ayon pa kay Cong. Gila, kailangan ang political will sa proyektong ito, mula sa barangay hanggang sa LGU.
Kinakailangan din umano na makahanap sila ng mga provincial at regional partners para sa malawakang proyekto na siyang magre recycle sa mga basura.
The post Cash to trashback” project, matagumpay! appeared first on 1Bataan.