Ilang araw bago magpasko ay sinikap ni Mayor AJ Concepcion na lahat ng sektor ng lipunan sa kanilang bayan ay nabigyan ng tamang kasiyahan at regalo.
Kamakailan ay nakisalamuha si Mayor AJ Concepcion sa mga kabataang Mariveleño, mga Iskolar ng kanilang bayan, hindi lang para pasayahin sila kundi maipaliwanag ang tulong ng pamahalaan para sa kanilang magandang kinabukasan. Ayon pa sa kanya, na gamitin nilang mga kabataan ang suportang ibinibigay ng pamahalaan para abutin ang kanilang pangarap.
Matapos iyon ay naging espesyal na panauhin naman siya sa panunumpa ng mga bagong opisyal at Christmas party ng mga PWD kung saan binigyang-diin niya ang patuloy na suporta at pagkakaisa ng bawat pamilya sa pag unlad ng kanilang bayan.
Lalo namang sumaya ang mga lolo at lola sa kanilang Christmas party nang bigyan ni Mayor AJ Concepcion, ang senior citizens group ng bawat barangay ng mga speakers at microphones para may magamit sila sa kanilang mga meeting at events.
At ang pinaka aabangang Christmas party ang gift-giving para sa lahat ng bata sa day care centers na pinasaya sa mga games, mascot, pagkain at regalo na ginanap sa kanilang municipal ground.
Bukod sa ipinamahaging Pamaskong Handog ni Gov.Joet Garcia para sa lahat ng Bataeño ay mayroon din ang bawat Mariveleño ng kanilang Pamaskong Handog.
Sinabi ni Mayor AJ Concepcion na patuloy niyang bibigyang ng saya at suporta ang kanyang mga kababayan sa diwa ng pagmamahalan lalo na ngayong Kapaskuhan.
The post Christmas Party sa iba’t ibang sektor appeared first on 1Bataan.