Muling iginiit ni Congressman Albert S. Garcia ng Second District ng Bataan na maaaring gawing cloud computing facility na lamang ang lumang gusali at planta ng Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, Bataan.
Sa panayam ng local media sa pasinaya ng housing project sa Limay kamakailan muling sinabi ng dating punong ehekutibo ng Bataan na ang tanging pakinabang na lamang ng mahigit 40-taong plantang nukleyar ay gawin itong isa sa mga pook para makatulong sa paglago ng turismo sa lalawigan.
Sinabi pa ni Cong. Abet na lubhang napakamahal na ng halaga para makapagpatayo ng isang plantang nukleyar sa panahong ito.
Kung may binabalak man umano ang pamahalaang-nasyonal tungkol sa nuclear energy ito ay hindi ang BNPP kundi ang small modular plant na pinag-aaralan pa ngayon.
“Alam naman natin ang programa ni Pangulong BBM na mapaunlad ang kabuhayan at turismo sa ating bansa,” paliwanag pa ng dating gubernador.
Sa pabahay naman, sinabi ng kongresista na malaking tulong ang proyekto ng Limay upang mabawasan ang backlog sa pabahay. Aniya, bukod kasi sa pagdami ng populasyon nagkakaroon din ng migration sapagkat maraming economic zones sa Bataan na nag-aakit ng trabaho ” kung kaya’t nagkakaproblema tayo sa housing.”
The post Cloud computing facility ang BNPP appeared first on 1Bataan.