Pormal nang naiturn-over ng Department of Agriculture – Regional Field Office 3 sa New Hermosa Farmers Association ang isang Coffee Processing Facility sa Brgy. Mabiga, Hermosa nitong Miyerkoles.
Ayon sa DA, ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng DA RFO 3 – High Value Crops Development Program na nagkakahalaga ng P949,757.80. Ang pondo ay nagmula sa DA RFO 3- HVCDP Regular Fund para sa FY 2022.
Ang turn-over ceremony ay pinangunahan ni Director Gerald Glenn Panganiban ng National High Value Crops Development Program kasama sina Hermosa Mayor Jopet Inton, DA RFO 3 Field Operations Chief Elma Mananes, Regional HVCDP Program Coordinator Engr. AB David, Agricultural Program Coordinator ng Bataan Marilou Ramos, at Jose Jeffrey Rodriguez at Paolo Tatlonghari mula sa opisina ng High Value Crops and Rural Credit.
Ang pasilidad ay tiyak na makatutulong sa mga miyembro ng asosasyon na itaas ang antas ng kanilang kakayahan sa paggawa ng mga de-kalidad na produkto ng kape mula sa kanilang lokal na ani na butil ng kape.
Sina Provincial Agricuturist Engr. Johanna Dizon, Municipal Agriculturist Vincent Mangulabnan, at iba pang lokal na opisyal ng Bataan ay naroroon din sa nasabing gawain.
The post Coffee processing facility sa Hermosa appeared first on 1Bataan.