Isang naiibang contest ang isinagawa sa bayan ng Mariveles kaugnay sa 18-days campaign to end violence against women noong ika-30 ng Nobyembre.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, batay sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon, tila pinadidilim ito ng mga karahasan sa mga kababaihan, kung kaya’t inaanyayahan tayo na pintahan ito ng mga kulay, na hindi lamang magsisilbing simbolo ng ating pakikiisa sa laban ng mga kababaihan kundi maging ng ating pagkilala sa pagkakapantay- pantay ng bawat isa anuman ang kasarian at katayuan sa buhay.
Dagdag pa ni Mayor Concepcion na naging makabuluhan ang resulta ng nasabing contest na sumentro sa programa ng Colors of Change: Youth United for VAW-FREE Phils. na lalong nagbukas sa kamalayan ng bawat isa sa mga inilahad na kwento sa kanilang mga ginawang posters.
Ang mga nanalo ay nag uwi ng mga premyong 2,000 sa third place, 3,000 para sa second place, 5,000 sa first place at mga consolation prizes na 500 pesos sa lahat ng mga sumali.
The post Colors of Change poster making contest appeared first on 1Bataan.