Alam ni Mayor AJ Concepcion ang malaking kaunlaran, progreso at pag-angat sa ekonomiya ang ibibigay ng pagbubukas ng Bataan-Cavite Interlink bridge hindi lamang sa bayan Mariveles kung hindi sa buong lalawigan. Kung kaya’t masusi nilang pinag- aaralan nina ni Cong. Abet Garcia at Gov. Joet Garcia ang magiging kalagayan ng peace and order situation ng lalawigan sa pagbubukas ng nasabing tulay.
Sa panayam ng media kay Mayor AJ Concepcion sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong nakaraang Lunes, sinabi niyang, naghahanap na ng lupa ang LGU ng Mariveles malapit sa bungad ng tulay na pwedeng pagtayuan ng isang command center para magsilbing checkpoint at imonitor ang mga papasok na maraming sasakyan at mga tao sa bayan ng Mariveles at sa kabuuan ng lalawigan, bilang pag iingat.
Ayon pa kay Mayor Concepcion, malaking deterrent ang nasabing Command Center sa sinumang tao o grupo na magnanais na gumawa nang masama. Noon pa man ay ipinapaliwanag na ni Cong. Abet Garcia ang kanyang concern sa pagpasok ng napakaraming sasakyan/tao patungo sa nasabing Bataan-Cavite Interlink bridge; kung malaking kagalakan para sa atin ang dadalhing kaunlaran nito ay dapat ding pag aralan natin, ng mga namumuno kung papaano mapananatili ang katahimikan at kaayusan ng lalawigan sakaling magbukas na ang Bataan-Cavite Interlink bridge.
Sa paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos kamakailan sa proyektong Bataan-Cavite Interlink bridge, tuluy-tuloy na ang nasabing proyekto na malaking hamon sa mga namumuno at mga mamamayan kung paano iha-handle ang kaunlarang ito.
The post Command center, ihinahanda para sa seguridad ng Mariveles appeared first on 1Bataan.